Nag sign-up ako para sa blog na ito noong Nobiyembre pa. Dumaan na ang Pasko at Bagong Taon, ni hindi ko naman ginamit. Hindi naman sa wala akong maisip, sa totoo lang, pumuputok na minsan ang ulo ko sa dami ng iniisip. At hindi din naman dahil sa wala akong panahon. Sabi nga nila, pag gusto, may paraan, pag ayaw, maraming dahilan…

















